29 February 2012

si Gimikan at si ATM

Yeah! Sweldo na naman... Eto na naman ang tropa...
Mag-aaya... 
Maririnig mo na naman ang "2 bottles! 2 bottles!".
Magkukulitan at mag-iintayan, afterwork. Sabay banat ng 2 bottles lang at
may pasok pa bukas... Eto na nga, go na ang tropa, konting kulitan, lokohan at
asaran hanggang makarating sa gimikan.. Masaya lahat at maglolokohan na
"eto lang pera ko" pang "2 Bottles Lang".. Hanggang sa magkabitinan... Maguusap, isa pa isa pa? hahaha!
wala na tayong pera... Sabay banat ng kasama, withdraw muna... Boom! eto na nga, batch by batch lalabas
para humanap ng mapag-withdrawhan... bad trip na ATM tatawid lang makakapagwithdraw na.. hahaha, atm na ang lalapit lang sa gimikan,
sinasadya ba o nagkakataon lang? parang magkatropa lang, kung asan si Gimikan, andun din si ATM.. Para bang pinaglapit ng tadhana o sila ang gumagawa ng paraan para magkasama.. Parang di mapaghiwalay ng sinuman... Si Gimikan at si ATM parang sa isat isa lamang... ang 2 bottles hanggang sa magkalasingan na. Uuwi dahil umaga na, papasok ng wasted pa. ang magiging tambayan at pahingahan
ay ang opisina. sarap pang matulog sakit ng ulo. hahaha! kung di dahil sa ATM sakto lang sana at walang problema. hahahaha!

Next time iiwan na ang ATM Card! para di na maobliga na magwithdraw pa...

(At ngayon tipid mode na agad kahit kasusweldo pa lang...)

No comments:

Post a Comment