24 February 2012

Work Work Work,


ako ay isang empliyado sa isang company, company na pang 3 sa business category nila
isang IT at programmer ako dito. Mukang magandang pankinggan at mukang big time. Medyo busy din
ang position ko. Nagpoprogram kahit di pa magaling, nagbabackup ng database at kumukuha din ng reports na kailangan, nag memaintain ng mga POS na nakadeploy sa mga mga store. Nag-aayos din ng network... Mukang busy talaga no.. pero minsan lang naman mangyari to.. Madalas akong nakatutok sa monitor, nagbabasa ng manga. pero ang pinakamasaya eh yun pag-iintay ko na mag-online ang aking kaibigan, at BUDDY ang aming tawagan. lalo na pag inaantok ako at pag bored na tlga ako sa work ko... Parang magic lang (hinde magic flakes ha?) bumibilis ang oras pag nag online na si Buddy, pag nakakachat ko sya, masaya na ako at enjoy talaga, di sa pambobola BUDDY ko sya eh... Isang kaibigan na hinde ko nmn madalas makasama
pero madalas ko namang nakakausap. Asaran lang kami pag nag-uusap, tatawagin nya akong ungas at sya nmn ay tanga. Buddy nga talaga, luko daw ako sabi nya, sya naman ay isa ding luka (hehehe)masaya, magandang chemistry pag nag-usap parang walang katapusan... ganun kasaya at ka-thankful ako na may BUDDY sa buhay ko.

Ang sarap tlga magtrabaho (hehehe), mamaya lunchtime na... at mamaya intayin ko na lang ulet pag-online ni BUDDY para ang 5:30pm ay dumating ng mabilis at makapag-out na ng mkapagdota, o inom o basketball o gym...

(Employee of the year!)

No comments:

Post a Comment