05 March 2012

Special Pow!


siguro lahat tayo gustong makaroon ng special powers. dala ng imahinasyon o
reyalidad na nakikita at nangyayari sa paligid. parang sina son goku, naruto, spiderman o superman mga superheroes na kinakalaban ang kasamaan,
para makamit ang kapayapaan. Pero sa katotohanan ang mga tao makapangyarihan sa mundo ay mga taong
mayayaman o mga taong nakapwesto sa pamahalaan, at sila ang numero unong nagiging problema ng lipunan, mga taong pilit tatapakan ang mga kasamahan, taong aabusuhin ang kapangyarihan para manakot ng mamamayan na dapat sila ang maglilingkod sa bayan, sila pang pasimuno sa karahasan at pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Na ang simpleng mamamayan ang unang naaapektuhan. Tulad ng kahirapan at naabuso ang karapatan.
Kayo tatanungin ko, kung magkakaroon ka ng powers ano ito at bakit?

Kasi si BUDDY, ang unang taong tinanong ko nito at ang gustong power "ung power na malalaman mo kung seryoso o sincere ang isang tao" para daw walang manloloko (siguro madaming beses na siyang niloko... hehehehe! may pagkatanga din naman si Buddy) peace buddy!

Ako ang gusto kong powers ay mapangiti ang lahat ng tao at power na maunawaan nila ang isa't isa. para sa ganon walang mag-aaway, walang kaguluhan, patayan at masugpo ang karahasan.Wala na din mang-aabuso sa kanilang kapangyarihan. At pag nakikita kong nakangiti ang mga tao, para sa akin,
simbulo ito ng KAPAYAPAAN at PAGMAMAHALAN.

Nakapag-isip na ba kayo ng gusto nyo'ng powers?

(LOVE and PEACE!)


No comments:

Post a Comment