29 February 2012

si Gimikan at si ATM

Yeah! Sweldo na naman... Eto na naman ang tropa...
Mag-aaya... 
Maririnig mo na naman ang "2 bottles! 2 bottles!".
Magkukulitan at mag-iintayan, afterwork. Sabay banat ng 2 bottles lang at
may pasok pa bukas... Eto na nga, go na ang tropa, konting kulitan, lokohan at
asaran hanggang makarating sa gimikan.. Masaya lahat at maglolokohan na
"eto lang pera ko" pang "2 Bottles Lang".. Hanggang sa magkabitinan... Maguusap, isa pa isa pa? hahaha!
wala na tayong pera... Sabay banat ng kasama, withdraw muna... Boom! eto na nga, batch by batch lalabas
para humanap ng mapag-withdrawhan... bad trip na ATM tatawid lang makakapagwithdraw na.. hahaha, atm na ang lalapit lang sa gimikan,
sinasadya ba o nagkakataon lang? parang magkatropa lang, kung asan si Gimikan, andun din si ATM.. Para bang pinaglapit ng tadhana o sila ang gumagawa ng paraan para magkasama.. Parang di mapaghiwalay ng sinuman... Si Gimikan at si ATM parang sa isat isa lamang... ang 2 bottles hanggang sa magkalasingan na. Uuwi dahil umaga na, papasok ng wasted pa. ang magiging tambayan at pahingahan
ay ang opisina. sarap pang matulog sakit ng ulo. hahaha! kung di dahil sa ATM sakto lang sana at walang problema. hahahaha!

Next time iiwan na ang ATM Card! para di na maobliga na magwithdraw pa...

(At ngayon tipid mode na agad kahit kasusweldo pa lang...)

24 February 2012

Work Work Work,


ako ay isang empliyado sa isang company, company na pang 3 sa business category nila
isang IT at programmer ako dito. Mukang magandang pankinggan at mukang big time. Medyo busy din
ang position ko. Nagpoprogram kahit di pa magaling, nagbabackup ng database at kumukuha din ng reports na kailangan, nag memaintain ng mga POS na nakadeploy sa mga mga store. Nag-aayos din ng network... Mukang busy talaga no.. pero minsan lang naman mangyari to.. Madalas akong nakatutok sa monitor, nagbabasa ng manga. pero ang pinakamasaya eh yun pag-iintay ko na mag-online ang aking kaibigan, at BUDDY ang aming tawagan. lalo na pag inaantok ako at pag bored na tlga ako sa work ko... Parang magic lang (hinde magic flakes ha?) bumibilis ang oras pag nag online na si Buddy, pag nakakachat ko sya, masaya na ako at enjoy talaga, di sa pambobola BUDDY ko sya eh... Isang kaibigan na hinde ko nmn madalas makasama
pero madalas ko namang nakakausap. Asaran lang kami pag nag-uusap, tatawagin nya akong ungas at sya nmn ay tanga. Buddy nga talaga, luko daw ako sabi nya, sya naman ay isa ding luka (hehehe)masaya, magandang chemistry pag nag-usap parang walang katapusan... ganun kasaya at ka-thankful ako na may BUDDY sa buhay ko.

Ang sarap tlga magtrabaho (hehehe), mamaya lunchtime na... at mamaya intayin ko na lang ulet pag-online ni BUDDY para ang 5:30pm ay dumating ng mabilis at makapag-out na ng mkapagdota, o inom o basketball o gym...

(Employee of the year!)

22 February 2012

toootssss....


isang tula ng di makata
isang tula dahil walang magawa

inuubos ang oras sa pag-iisip
lumilipad at nananaginip

ym ang libangan
si buddy ang kakulitan

sana'y five thirty na
para makauwi na

pero, oras ay mahaba pa
kelangan may matapos na

kailangang magsaya,
yun ang sabi nila

ng oras ay di mapansin
at agad itoy dumating

dumaan si boss
akoy magtatrabaho na

baka mahuli at masibak pa

kaya hanggang dito na lang
ang tula kong walang kwenta... ^^

Bago dahil Una

New New New, Bago Bago Bago kasi di ko pa nagagawa ito... Si buddy ang nag impluwensya sakin nito.. try lang at sya ang magiging bida ng blog na to... <Unang Post> (pangit tong blog ko, wag na kayong magreklamo nakikibasa lang kayo) love and peace! ^^