23 May 2013

Dahil kay Buddy ko...

Dahil kay Buddy ko, ibang-iba na ang mundo at buhay ko. Hindi tulad dati na halos sa kaibigan o barkada lang lahat ang oras ko. Umuuwi para tumambay, mag-inom, magdota, mag-basketball at matulog. Pero dahil may Buddy ako, ibang iba na talaga. Dati uuwi, kakain, magtetext sa mga kaibigan at iinom na, hindi na tumatagal sa bahay. Ngayon uuwi, magtetext kay Buddy kung nasaan na,at diretso na sa kanila. Aabutin ko pa minsan na nagluluto pa siya. Nakatingin, nakatitig sa kanya habang sya ay nagluluto, naghahain o naghuhugas ng mga pinagkainan. Iniisip na napaka-blessed ko at may Buddy sa buhay ko na dumating sa di inaasahang panahon at pagkakataon. Sarap sa pakiramdam na may Buddy ako na nag-aasikaso sa akin, pag-uwi ko ay iniintindi ako, at iniintay kahit gutom na gutom na para magkasabay sa pagkain (ang daming nakakain bulos pa hehehe). Laking pasalamat ko at love na love nya ako. Gusto ko din na pagsilbihan ang Buddy ko habang buhay, sa habang panahon at sa lahat ng pagkakataon. I love you Buddy ko!

No comments:

Post a Comment