24 May 2013

Fan Girl Forever

Lumipas man ang maraming taon, kahit anong hairstyle pa yan, long hair ala rocker o electrocuted hair o kahit maubos pa ang hair, pumayat man o tumaba, mukhang CEO man o mukhang adik pa yan, ako pa rin ang forever fan girl mo at ikaw at ikaw pa rin ang nanaising makasama habang buhay. <3


23 May 2013

Dahil kay Buddy ko...

Dahil kay Buddy ko, ibang-iba na ang mundo at buhay ko. Hindi tulad dati na halos sa kaibigan o barkada lang lahat ang oras ko. Umuuwi para tumambay, mag-inom, magdota, mag-basketball at matulog. Pero dahil may Buddy ako, ibang iba na talaga. Dati uuwi, kakain, magtetext sa mga kaibigan at iinom na, hindi na tumatagal sa bahay. Ngayon uuwi, magtetext kay Buddy kung nasaan na,at diretso na sa kanila. Aabutin ko pa minsan na nagluluto pa siya. Nakatingin, nakatitig sa kanya habang sya ay nagluluto, naghahain o naghuhugas ng mga pinagkainan. Iniisip na napaka-blessed ko at may Buddy sa buhay ko na dumating sa di inaasahang panahon at pagkakataon. Sarap sa pakiramdam na may Buddy ako na nag-aasikaso sa akin, pag-uwi ko ay iniintindi ako, at iniintay kahit gutom na gutom na para magkasabay sa pagkain (ang daming nakakain bulos pa hehehe). Laking pasalamat ko at love na love nya ako. Gusto ko din na pagsilbihan ang Buddy ko habang buhay, sa habang panahon at sa lahat ng pagkakataon. I love you Buddy ko!

16 May 2013

"Mitra" :p

Baby girl Mitra - Liz Mackaylie


Baby boy Mitra - Lex Marcus



Mark na Ayen o Ayen na Mark? Hahaha utas much!

02 May 2013

Post-nup?

Post-nup? Nauna kasi ang kasal. Hahaha

Dahil madami nang mga friends namin ang ikinakasal ngayon, syempre di mawawala ang mga ibat-ibang pre-nup photos sa FB. At dahil bet na bet ko ang mga pics na ganito; nag-eemote, di nakatingin sa camera, nakakakilig na eksena, magandang view; gora kami magpapicture ala pre-nup. Sakto rin naman dahil 3rd monthsary namin at nasa Caleruega at Sky Ranch, Tagaytay kami. Magandang magpicture picture tapos wala pang masyadong tao. First time namin na ganito ang eksena sa pagpapapicture. At dahil nga first timer kami, tawang-tawa kami sa pinaggagawa namin. Practice na rin para sa totoong pre-nup pictorial.

Happy 3rd monthsary! <3