18 October 2012

Ungas - Isang Pananaliksik

Ayon sa urbandictionary.com, ang ungas "is another word for tanga (stupid) or gago (dumb ass) as curse words in the Philippines. Used mainly to insult someone who makes blunders often."

Sa aking sariling depinisyon, ang ungas ay isang ekspresyon o tawag sa isang taong tanga sa paraang baliw kung mag-isip, pilosopo kung sumagot, maloko, makulet pero nakakatawa. Ungas din ang tawag sa taong nakakainis o nakakaasar na pero patuloy pa rin sa pang-aasar (maaring sinasadya o hindi) na parang di alam na nakakasakit na at bale wala lang sa kanya. Ungas din ang nasasambit kapag may nagawa kang di maganda.

Paano mo nga ba masasabi kung ang isang tao ay ungas?

Ungas ka kung...

...nakakita ka ng isang rebulto ng kambing at naisipan mong magpapicture sa ganitong pose.

..nagpapicture ka kasama ang rebulto nina Eba at Adan at ipinakita mo pa ang pinakatago-tago nila.

...isa kang tunay na lalaki at nagdamit kang pambabae at feel na feel mo pa ang pagsusuot nito habang nagpapapicture.

...tuwang-tuwa kang nakakita ng isang malaking frog na slide at naisipang magpapicture para isurprise sa isang kaibigan ngunit, subalit, datapwat di ka nakatiis at nasabi mo agad ang iyong surpresa. (Haler?!? surprise nga di ba?)

...ganito ang fashion statement mo.

...tinanong ka kung saan inilaban ang manok at ang sagot mo ay "inilaban sa gagamba, sinaputan ayun talo!" (sa ungas ka ba naman magtanong eh!)

...umorder ka sa isang fastfood chain at pagkabayad mo hiningan ka ng cashier ng smaller bill, dahil ungas ka ang sagot mo "miss sa ganitong bill (may pag mwestra pa ng "small" rectangle) may isusukli ka?" (Nganga!)

...tinanong ka kung mura na ang 8K na shih tzu female, pure at ang sagot mo "pure nga pilay naman." (Hanube?!)

...makapang-asar ay wagas. Inis na inis na sa'yo, ikaw naman sige asar pa. Peace dito, asar doon. [Insert ibang topic dito.] Peace ulit dito, asar ulit doon. (Ulit-ulitan? Lokohan? Ungas nga eh!)

...nipost mo ang picture ng kaibigan mo sa fb group nyo para ipalike ito dahil trip mong lokohin syang prom queen. (ano ka, camapaign manager?)

...nag-aya kang pumunta ng beer house, manood ng dog show at kung ano-ano pa at ni-isa walang natuloy. (certified drawing!)

...proud na proud ka sa team name nyong EKUPASKIBAS at may pagsagot ka pang "kesa namang ITITASKIBAS". (=; talk to the hand!)

...may nagpahanap sa'yo ng kanta, software, etc. at ang sagot mo "google.com, search mo na lang dun". (Thank you HA?!)

...nagmeryenda kayo at nagtanong ka sa crew kung merong hamsilog at sinagot kang meron, sabay order ka naman ng iba. (sakit sa bangs teh!)

Ito'y ilan lamang sa mga palatandaan kung nanganganib na ang buhay nyo. Kaya...

BABALA: MAG-INGAT SA MGA TAONG UNGAS, NAKAKABALIW!

No comments:

Post a Comment