18 July 2013

Beyond Lucky, Blessed!

Minsan nang pumunta kami ni Buddy ko sa mall at nakakita ng lotto outlet natripan namin na tumaya sa lotto at bumili ng Scratch it! Instant Tama tickets (Go Bananas o Money Tree). 

Dito sinubukan namin kung gaano kami kaswerte. Pumili ng number para sa lotto, bumili ng scratch it! ticket, at kinaskas paisa-isa (para may thrill). Kitang-kita ko na-excited si Buddy ko, sa bawat lalabas na prize o combination ng mga pictures. May 20 pesos, 40, 100 hanggang 200K. Sa bawat kiskis nakikita ang pictures, napapangiti o napapasigaw si Buddy ko (halata tuloy kami pag tumama ng malaki hahaha). Naglolokohan pa pag nakuha daw ang jackpot ay maghihiwalay na. Pero kadalasan talo kami o bawi lang sa gastos sa pambili ng tickets. 

Talo man sa pagbili ng tickets ay masayang masaya pa din. Parang tumama na ako ng grand prize dahil ni Buddy ko. Wala nang mas masaya pa sa tuwing kasama ko sya, wala nang makakapag-paexcite pa sa pag-uwi dahil ni Buddy ko. Parang milyonaryo na ako. Di lang napakaswerte, napakablessed ko talaga at ang lahat ng kasiyahang natatamasa ko ay dahil kay Buddy ko, kaya walang sinuman o anumang bagay ang makakapantay kay Buddy ko. 

It's not about the money kaya kami tumataya. It's about the moment we've enjoyed together. It's about the activities we've agreed to do together. Not only the happiness and smile we shared with each other. But most importantly, our love which we've vowed to last forever. 

Pero sana tumama din kami ng malaki ni Buddy ko, para makapunta sa mga gusto naming puntahan, gawin ang gusto naming gawin, mabili ang gusto naming bilhin at gawin ang lahat ng magkasama kami. 

Hehehe Buddy sa pagpunta ulet natin ng mall subukan ulit naten. Wag masyadong pahalata pag tumama tayo ha?