24 April 2013

Visita Iglesia 2013

"March 28, 2013, Huwebes Santo, araw ng taunang Visita Iglesia. Di ko na mabilang kung ilang taon na naming ginagawa ang pagdiriwang na ito. Pero ngaung taon, special ang Visita Iglesia ko, parang halo-halo na may ice cream, two-scoops pa. Ibang iba talaga ang visita iglesia ko ngaun at nung nakaraang taon."
 - Buddy

"March 28, 2013, Huwebes Santo, Mahal na Araw, Madaming taon na ang lumipas at ginugunita ang araw ng pagkamatay ni Kristo. Pero ngayong taon lang na 'to ako nakibahagi sa kaganapang ito. Ang laki ng pagkakaiba sa ibang taong lumipas. "
- Ako

"Dati, paalis pa lang kami ng bahay, tetext ko na si Buddy na magvisita iglesia na kami. Palemery at calatagan ang punta namin."
- Buddy

"Dati di pa makagising at may hang-over pa, magtetext kay Buddy at iinom na kasama ang mga barkada"
- Ako

"Ngaun, maaga pa lang at nagbibihisan pa kami nasa bahay na si Buddy, nag-aayos ng mga gamit at pagkain. Ayun nga lang sumablay, nakalimutang dalhin ang kanin."
- Buddy

"Ngaun, maagang nagising, kabado, excited, natutuwa sa unang pag-sama sa Visita Iglesia, pati kanin nakakalimutan sa sobrang kasiyahan."
- Ako

"Dati, habang katext ko si Buddy sa biyahe, naiisip ko grabe si Buddy nag-iinom na naman. Kung tayo lang sana, sigurado kasama kita ngaun."
- Buddy

"Dati, katext lang si Buddy at sila ay may Visita Iglesia, ako naman tumatagay na at tuwang tuwa kasama ang mga kaibigan."
- Ako

"Ngaun, nagpipicturan kami kahit nasa biyahe at masayang masayang makumpleto ang 14 stations."
- Buddy

"Ngaun, binabasa ang guide at sa susunod na station ay ako na ang magbabasa."
- Ako

"Dati, sa 14 na simbahan na pinuntahan namin, palagi kong dinadasal na sana makasama naman namin si Buddy sa pagvivisita iglesia."
- Buddy

"Dati, sa tindahan ang punta para bumili ng alak dahil bitin pa."
- Ako

"Ngaun, nakakatuwa kasi hindi ko lang kasama si Buddy, namumuno pa sa pagbabasa sa ilang istasyon ng krus."
- Buddy

"Ngaun, sobrang kaba sa pagbabasa at nabubulol pa. Pero masaya kasi kasama ko si Buddy ko at ang pamilya nya."
- Ako

Sabi nga sa kasabihan, “sa hinaba haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.” Sa tinagal tagal na naming magkaibigan ni buddy, sa simbahan pa rin nga naman ang tuloy. Malamang, Visita Iglesia eh. Hahaha


03 April 2013

Captivated by You Like A Firework Show

I do love fireworks but I love buddy much much more. hehehe Celebrated our 2nd monthsary watching pyromusical at SM MOA last March 23. Sobrang na-amaze, napa-wow at may pagturo turo pa ako. Hahaha Hindi talaga matanggal ang smile ko all throughout the firework show. And the best part of this, secret! Hahaha kissed buddy under the spectacular fireworks display. Cheeeeesy!