29 June 2012

Ulan


Ulan, masayang pagmasdan pumapatak sa halaman o sa bubungan...
may maganda tunog na nililikha, at talagang nakakamangha...
masarap matulog, kumain pag-umuulan... minsan nagdadala ng kalungkutan,
nagpapaalala ng malungkot na sandali sa ating buhay... Binibigyan tayo ng
panahon para magisip lalo na pag nag-iisa.. Ulan na sumisimbulo sa Grasya o
Problema.. Grasya sa mga mag-sasaka at sa mga hirap sa tubig.. nagiging problema sa motorista
at sa mga syudad na di maayos ang kanal.. PROBLEMA din pag nasosobrahan, gumuguhong mga putik o lupa sa daan..
at sumisira din sa paninim...
Pero para sa akin ito ay grasya, na nagbibgay ng saya,
kapagkasama ang barkada, naglalaro sa ulan, nagsasayaw at naghahabulan..
Walang kapantay ang saya kasama sila, nag papaanod ng tsinelas sa baha, magbabatuhan ng putik at kung anu ano pa. Pag katapos nito ay mag-iinuman, andun ang kwentuhan at mga kulitan..
Malamig at kelangan mag painit, magluluto ng sabaw at kasabay sa tagayan ang tawanan
na walang katapusan..

At pagkatapos ng ulan, dito na natin madirinig ang mga huni ng mga insekto,na masarap sa pandinig at ang kokak ng
mga palakang nagpapaligsahan palakas ng palakas habang lumalalim ang gabi.. na nagpapahiwatig ng isang masaya at magandang gabi..

<Sige Ulan lang ng malamig at makatulog ng mahimbing pero sana pag uwi ko na lang ng bahay saka ka
bumuhos, kasi wala akong payong... >