19 April 2012

Closeness

Closeness, Brings Happiness...
Closeness, Brings Enjoyment...
Closeness, Brings Memorable Experience...
Closeness, Brings Strength...
Closeness, Keeps Hopes Alive...
Closeness, Makes You Smile...
Closeness, Makes Your Cheek Red...
Closeness, Makes You Feel the Warmth of Love...
But Also...
Closeness, Makes You Feel Pain...
Closeness, Makes You Feel Sad...
Closeness, Makes You Feel Empty...
Closeness, Makes You Feel Weak...
Closeness, Makes You Feel Down...

And Closeness, Brings Everything within you...




13 April 2012

Batang Kalye

Batang Kalye, makikita mo sa lansangan... Namamalimos, maamos, walang tsinelas, salat sa edukasyon at balat ay sunog sa init at usok ng sasakyan.. Mahirap ang buhay, di makakain sa tamang oras at sapat.. walang bahay, kung saan saan na lang natutulog at sumisilong. Napapahamak, gumagawa ng kalokohan dala ng kahirapan... Sa murang isipan at katawan natututong magtrabaho o mag-nakaw.. Rugby minsan ang hawak para maibsan ang sikmurang kumakalam.. Nakakaawa, pero wala tayong magawa, bigyan man natin ng pera, baka kung saan lang gamitin, sa sigarilyo, rugby man o droga... Masaya sana kung sa pagkain at mas mabuti na din na pag-kain ang ating ibigay.. Pero, sino nga ba ang may kasalanan, kung bakit sila nagkakaganyan, mga MAGULANG ba nila? o ang GOBYERNONG walang ginagawa para paunladin ang bansa? Sino nga ba?
Mahirap mag-husga... May mali sa magulang nila pati sa Gobyernong inaasahan nila... Pero sino nga ba talaga? Tanong na di masagot.. Madaming mali... Ang magulang nila umaasa lang sa Gobyerno para sa kinabukasan nila, magulang na wala inintindi kung di ang kasiyahan nila, magpadami, at di iniisip ang maaaring maidulot sa mga supling nila.. Kontento na sa buhay kung anu meron sila, at sinisisi ang gobyerno sa katayuan nila.. Mga tamad, mga walang ginawa kung di ang umasa, di kumikibo, naghihintay lang sa mga pwedeng mangyari at walang lakas ng loob para baguhin ang katayuan nila at ang kapalarang meron sila... Sa kabilang banda naman, ang Gobyerno, na walang ginagawa kung di mag-sira ng kalsada kahit ito ay maayos pa.. Tao ng Gobyerno na abusado, at sila lang ang makapangyarihan at mga magaganda ang buhay, nagpapahinga sa magandang upuan at kama.. Magandang mga sasakyan, masasarap na pagkain at inumin.. Magagarang damit at mamahaling sapatos.. Yumayaman sila at ang bansa ang lumulubog sa utang, may krisis man, sila naman ay di maaapektuhan...

Mahirap talagang isipin kung sino ang may kasalanan... Ikaw? Aasa ka ba sa Gobyerno o magtatanung ka sa iyo'ng magulang? O gagaya ka na lang sa mga nakikita mo sa iyong kapaligiran?

Ako, mangagarap ako... Pero gagawa ako ng paraan para tupadin ang mga ito... Para sa ikaliligaya ko at para sa kinabukasana ng magiging pamilya ko...

Pero sa ngayon... Magiging makasarili muna ako, mag-eenjoy sa buhay na meron ako... Magsasaya sa piling ng pamilya at kaibigan ko..

(Hanggang dito na lang, sobrang sakit talaga ng ulo ko... Salamat sa lambanog, at mga kaibigan ko  late na kami nakapasok buti wala si boss... hehehehe!)